Sabado, Abril 28, 2012

 

 Nakatatak sa silyang ito ang salitang "GAWA SA MANIOLAS" sa alpabetong baybayin

 

MANIOLAS - pinakaunang pangalan binigay sa bansa ayon sa mapang ginawa ni Cluadius Ptolemy, isang banyaga na heograpo ng Alexiandra, na nabubuhay noong panahong 90-168 AD

 

 Iba`t ibang Pangalan ng Filipinas Bago Dumating Ang Mga Kastila

Skriv ut
ANG PILIPINAS AY ISANG BANSANG KILALA SA PAGKAKAROON NG MARAMING PANGALAN
Maraming taon bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa , ito ay nagkaroon ng maraming pangalan:

  • Ang Pilipinas ay isang matandang bansa na tinaguriang OPHIR ni Rodrigo de Aganduru  Morriz, isang prayle at mananalaysay na Rekoleto noong 1584-1626.
  • Ang Pilipinas ay pinangalanang MANIOLAS sa mapang ginawa ni Cluadius Ptolemy, isang banyaga na heograpo ng Alexiandra, na nabubuhay noong panahong 90-168 AD.
  • Pinangalanang MA-I o MAYI ang Pilipinas ng mga unang mangangalakal na Instik na dumating dito sa ating bansa. Ito ay nakatala sa lumang aklat na pangkasaysayan ng mga Instik na pinamagatang Wen Shian Tun Kao (General Investigation on the Chinese Cultural Sources) na sinulat ni Ma Tuan-Lin noong 1317 -1319.
  • Taon 1521 dumating ang mga manakop sa ating bansa. Pinangalanan ni Magellan ang ating bansa ng ARCHIPELAGO DE SAN LAZARO.
Ang mga iba pang eksplorador at manunulat na taga Europa na sumunod kay Magellan ay nagpangalan din ng mga sumusunod:
  • ISLAS DEL PONIENTE (Mga Isla ng Kanluran)
  • ISLAS DEL ORIENTE  (Mga Isla ng Silangan)
  • ARCHIPELAGO DE MAGALLANES (Kapuluan ni Magellan) at
  • ARCHIPELAGO DE LEGAZPI
Ang mga bagong awtor ay nagbigay din ng ibang pangalan tulad ng:
  • GEMS OF THE EAST
  • EMERALD ISLAND
  • TREASURE OF THE PACIFIC at
  • LAND OF THE MORNING
  • Ang pinakaromantikong pangalan ng ating bansa ay PERLAS NG SILANGAN na ipinangalan ng misyonaryong kastila na si Padre Juan J. Delgado noong 1751. Ito`y pinabantog ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal sa kanyang artikulo noong 1892 at sa kanyang tulang Huling Paalam bago siya namatay noong 1896.
  • Ang opisyal na pangalang PILIPINAS –FILIPINAS ay ibinigay ni Ruy Lopez de Villalobos, isang kastilang eksplorador noong 1543 bilang parangal sa tagapagmana ng korona na si Prinsepe Felipe, na naging Haring Philip II ng Espanya (1566-1598)

 Kung ako ang papapiliin sa mga pangalan, pipiliin ko ang pinangalanang MANIOLAS sa mapang ginawa ni Cluadius Ptolemy noong panahong 90-168 AD. Ito ay malapit sa pangalang Manila ang kapital ng bansa at saka ito ang pinakaluma sa lahat ng mga nabanggit na sinaunang mga pangalan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento